Dumaguete, Philippines – Umabot na sa 14 na pamilya at 71 indibidwal na mga bakwit na galing sa Marawi City ang nasa Lungsod ng Dumaguete.
Sa ngayon binigyan ng lokal na pamahalaan ng matitirahan, ang iba naman ay nakikituloy sa kanilang kamag-anak.
Ayon kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo sa interview ng DYWC RMN, sa tulong narin ng DSWD at DILG pinapirma ng affidavit ang mga ito upang hindi magsagawa ng ano mang bawal o illegal sa lungsod at sila’y susunod sa polisiya na ipapatupad ng pamahalaan.
Nagkaroon din ng pag-asa ang mga bakwit na mabigyan ng tulong sa DSWD ng bumisita si kalihim Tagiwalo sa kanilang tinitirhan sa lungsod.
DZXL558
Facebook Comments