14 na Pinoy na nailikas sa London mula Afghanistan, dadating sa bansa bukas

Bago magtanghali bukas ay dadating sa bansa ang 14 na mga Pilipino na napasama sa British military flight mula Kabul, Afghanistan patungong London.

Ang mga naturang Pinoy ay umalis na sa London ngayong araw sakay ng Philippine Airlines flight PR721 at dadating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 2 bukas ng alas-11:00 ng umaga.

Ang 14 na mga Pinoy ay bahagi ng 49 na unang inilikas sa UK sa pamamagitan ng British military flight.


Samantala, nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nila pipiliting pumirma sa waiver ang 10 Pinoy na nagpasyang magpaiwan sa Afghanistan sa gitna ng kaguluhan doon

Facebook Comments