Naisabatas na ang 14 sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malacañang.
Ang mga naisabatas na priority bills ng Marcos administration ay ang:
1. SIM Card Registration Act
2. Postponement of Barangay/SK elections
3. Strengthening Professionalism in the AFP
4. New Agrarian Emancipation Act
5. Maharlika Investment Fund
6. Trabaho Para sa Bayan Act
7. Public-Private Partnership Code of the Philippines
8. Regional Specialty Centers
9. Automatic Income Classification of LGUs
10. Internet Transactions Act
11. Ease of Paying Taxes Act
12. Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act
13. Philippine Salt Industry Development Act
14. New Philippine Passport Act
Ayon kay Pangulong Marcos, nagkaroon na rin ng reprioritizing measures para palakasin ang kabuhayan, proteksyon ng kapaligiran, at pagpapalakas ng seguridad ng bansa.
Samantala, nasa 43 na panukalang batas ang nakabinbin pa sa Kongreso.