14 na pulis mula General Trias Cavite, positibo sa COVID-19

CAVITE – Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 14 na pulis ng General Trias Municipal Police Station makaraang sumailalim sa targeted testing para sa mga frontliners, ayon sa lokal na pamahalaan nitong Huwebes.

Nasa isolation facility ngayon ang mga tauhan na dinapuan ng virus habang nagsasagawa ng contract tracing ang city health office sa kanilang mga nakasalamuha.

Dahil kaunti ang mga naka-duty na pulis, humiling ng augmentation ang apektadong himpilan mula sa Cavite Police Provincial Office upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng munisipalidad.


Panandaliang sinuspinde ng Philippine National Police ang pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng clearances kagaya ng travel authority bunsod ng inihahandang online application system.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 54 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong General Trias. Sa naturang bilang, 25 ang naka-recover habang lima naman ang pumanaw.

 

Facebook Comments