
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni Philipine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director BGen. Elmer Ragay na inihahanda na ng ahensya ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa 14 na mga tauhan ng PDEG na sangkot umano sa pagnanakaw at paggahasa sa isang 18 taong gulang na babae sa Cavite.
Kung saan 8 na ang naaresto at 6 ang “at large” , sa anim na nasabing pulis 4 dito ang nagpahayag na sila ay nagbo-voluntary surrender habang ang 2 pang natitirang pulis ay pinaghahanap pa rin sa ngayon.
Ayon pa kay Ragay ay sasailalim na ngayong araw ang 8 naaresto sa inquest proceedings para sa nasabing mga kaso.
Kaugnay nito ang 14 pulis na sangkot ay ni-relieve na sa pwesto kasama na dito ang commander ng nasabing Special Operations Unit 4 na may ranggong Colonel.
Samantala, hindi na dinetalye ang ibang sensitibong pangyayari sa nasabing kaso at sinabi ng ahensya na ang ginawang buy-bust operation sa bahay ng biktima ay isang lehitimong operasyon kung saan nakatakas ang hinahanap na suspek.
Ayon kay Ragay ang babaeng biktima ay nobya ng lalaking subject nila sa operasyon patungkol sa iligal na droga at tinuturing na isang high value individual.
Tiniyak naman ni Ragay ang zero tolerance policy sa nasabing insidente at ang hustisya ay maayos na maihahain sa biktima.









