14 na pulis na sangkot sa pagnanakaw at panggagahasa sa Cavite, sinampahan na ng kaso sa NAPOLCOM

Sinampahan na ng tatlong reklamo kabilang ang pagnanakaw at panggagahasa ang 14 na pulis sa Bacoor, Cavite nitong November 23.

Nagtungo sa opisina ng National Police Commission (NAPOLCOM) ngayong umaga ang biktima kung saan hindi muna ito humarap.

Kinuwento ng biktima sa publiko ang naging karanasan niya sa kamay ng mga pulis.

Aniya, biglang pumasok sa kanilang bahay ang mga ito upang maghalughog ng mga gamit.

Dagdag pa niya na matapos ang panghahalughog sa kwarto ay pinalabas umano ng kanilang team leader ang mga pulis at dito na ginawa ang madilim na balak nito.

Samantala, nagtungo din sa NAPOLCOM ang dalawa pang nabiktima ng mga pulis sa parehong araw at lugar.

Ayon kay alyas ‘Stephen’, natutulog sila ng mga oras na iyon kung saan pumasok at umakyat ang dalawa sa 14 na pulis na pinipilit buksan ang isa pang kwarto.

Ayon kay Chief of Police ng Bacoor Cavite na si PLtCol. Alexie Desamito ay walang nangyaring girian sa pagitan ng mga pulis matapos kanilang ikinasang follow-up operations na naging dahilan ng pagkaaaresto ng mga ito.

Facebook Comments