Aabot na 14 na rehiyon na sa bansa na may libu-libong magsasaka ang apektado ng dry spell.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Administrator Ricardo Jalad – umabot na sa ₱1.3 billion ang ikinalugi sa produksyon dahil sa El Niño.
Nasa 84,932 magsasaka habang nasa 70,353 na ektarya ang apektado.
Dagdag pa ni Jalad – palay at mais ang pinakaapektadong commodity.
Tinukoy ng NDRRMC ang mga rehiyong apektado ng dry spell:
- Cordillera
- Ilocos
- Cagayan Valley
- Central Luzon
- Calabarzon
- Mimaropa
- Bicol
- Western at Eastern Visayas
- Western at Northern Mindanao
- Davao
- Central Mindanao
- Bangsamoro Region in Muslim Mindanao
Bukod sa cloud seeding operations, tutulungan din ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng pagpapatupad ng modified cropping calendar at pagbabago ng cropping pattern.
Facebook Comments