14 na safety pantry, sabay-sabay na inilunsad sa selebrasyon ng International Day of Action for Women’s Health

Photo Courtesy: FPOP CAM. SUR-Youth Core Group

Mula sa inspirasyong pinasimulan ng Maginhawa Community Pantry, namahagi ng iba’t ibang items sa inilunsad nilang safety pantry ang Family Planning Organization of the Philippines (FPOP).

Ito’y bilang pakiisa sa selebrasyon ng International Day of Action for Women’s Health.

Naniniwala ang ang FPOP na kahit may COVID-19 pandemic, hindi dapat maapektuhan ang access ng mga tao sa sexual at reproductive health services at commodities.


Ngayong araw, sabay-sabay nilang inilunsad ang iba’t ibang safety pantry sa iba’t ibang lokasyon.

Kabilang lang sa mga nakalatag at pwedeng bitbitin mula sa safety pantry tables ay vitamins, condoms, lubes, contraceptive pills, alcohol wipes, sanitary napkins, malunggay supplements (capsule), baby dresses, diapers, at pregnancy at hygiene kits.

Maliban dito, may ipinamimigay rin na home biscuits, rice, vegetables, canned goods, noodles at mga face shield at face mask.

Ang FPOP ay isang service-oriented organization na nagkakaloob ng sexual at reproductive health services sa lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments