14, nasawi kasunod ng pananalasa ni Typhoon Hinamnor sa South Korea

108

Tinatayang nasa 14 ang nasawi matapos manalasa ang Bagyong Hinamnor sa South Korea.

Hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyo ang resort island na Jeju habang ito ay nag-landfall malapit sa mainland port ng Busan kahapon ng umaga na may lakas na aabot sa 144 kilometers per hour.

Nagdala ito ng ng malakas na ulan dahilan para masira ang mga kalsada at nagdulot ng power interruption sa 20,000 kabahayan habang nasa libu-libong residente ang lumikas.


Ito ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa South Korea sa loob ng matagal na panahon.

Facebook Comments