14 patay habang 12 arestado sa anti-criminality campaign sa Negros Oriental

Mga magsasaka at hindi kriminal ang labing-apat na indibidwal na napatay sa anti-criminality operation ng pulisya sa Negros Oriental.

 

Ito ang iginiit ni kabataan Party-list Rep. Sarah Elago kasabay ng pagkondena sa insidente.

 

Ayon sa mambabatas, dapat na managot sa aniya’y “Canlaon Massacre” at iba pang biktima ng bogus na land reform program ang administrasyong Duterte at ang mga pulis na sangkot sa operasyon.


 

Ayon sa partylist group, walang search warrant ang mga pulis nang pinasok ng mga ito ang isa sa tahanan ng mga magsasaka. Taliwas sa naging pahayag ng Negros Oriental Police Provincial Office.

 

Ayon pa sa pulisya, nanlaban at pinaputukan sila ng mga kriminal kung saan isang pulis ang nasugatan.

 

kinilala ang ilan sa mga nasawi na sina:

 

 

  • Ismael Avelino
  • Edgardo Avelino
  • Melchor Pañares
  • Mario Pañares
  • Rogelio ricomuno
  • Ricky ricomuno
  • Gonzalo rosales
  • Genes palmares

 

 

habang labindalawang iba pa ang naaresto.

 

Dagdag pa ng grupo, nasa 180 magsasaka na ang napatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kung saan 40 sa mga ito ay mula sa Negros Island.

 

Nagbanta naman ang bayan muna na kakasuhan ang mga pulis at sundalong sangkot sa umano’y massacre.

Facebook Comments