14 Pinoy sa abroad, bagong gumaling sa COVID-19

18

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 14 na mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 11,306 ang recoveries sa mga Pinoy sa ibang bansa.

Nadagdagan naman ng 22 ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa abroad na umabot na ngayon sa 18,479.


Habang nananatili sa 1,147 ang bilang ng nasawi at 6,026 ang nagpapagaling na mga Pinoy sa abroad.

Facebook Comments