14 residente sa Pola, Oriental Mindoro, nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo dahil sa oil spill

Hindi bababa sa 14 na residente sa bayan ng Pola ang nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo kasunod ng nangyaring oil spill bunsod ng lumubog na oil tanker sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Pola Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz, kabilang dito ang isang bata na dinala sa ospital.

Hinikayat naman ng health department ang paglikas sa mga residente sa mas ligtas na lugar habang inaayos ng gobyerno ang sitwasyon.


Una nang nagdeklara ng state of calamity sa Pola dahil sa epekto ng oil spill.

Maliban sa bayan ng Pola, apektado na rin ng oil spill ang bayan ng Naujan, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Facebook Comments