- Si Juan Karlos Labajo a.k.a JK ay ipinanganak noong February 5, 2001 sa Consolacion, Cebu.
- Siya ay pinalaki ng kanyang single mother na si Maylinda Labajo matapos silang iwan ng kanyang German father pagkatapos siyang isilang.
- Siya ay palaging nabu-bully sa school dahil sa kanyang itsura.
- Dahil sa kahirapan sa buhay ay nagawa rin ni JK na mangolekta ng basura upang makatulong sa kanyang pamilya.
- Siya ay 13 years old pa lamang nang sumali siya ng The Voice Kids at awitin ang “Grow Old With You” ni Adam Sandler kung saan pinili niya si Coach Bamboo sa kabila ng paanyaya ni Coach Sarah na maging isa sa mga guest star sa kanyang concert.
- Nabiyayaan siya ng scholarship sa ETON International School bilang parte ng kanyang pagkapanalo.
- Noong May 2015,naging lead role siya bilang Nico sa ABS-CBN TV Series na “Ipaglaban mo: Sa Dulo ng Daan”.
- Siya ay gumanap bilang Amboy sa seryeng “Pangako Sa’Yo”
- Inilabas niya ang kanyang debut album na pinamagatang “JK” noong August 2015 na binubuo ng walong kanta, kasama na rin ang special song na “Di Ka Man Lang Nagpaalam” na kanyang inialay sa namatay niyang nanay.
- Napili siya bilang MYX Celebrity VJ noong October 2015
- Si JK ay sumali ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong July 2016 at napili bilang first five celebrity housemates.
- Noong 2016 ay nakatakda ang kanyang unang solo concert kasabay ng kanyang birthday concert ngunit hindi natuloy ng MCA Music dahil sa ilang mga dahilan
- Siya ay nagkaroon ng supporting role sa indie film na ginawa ni Joven Tan na pinamagatang “Tatlong Bibe”. Ito ay ni-released noong March 1, 2017.
- Si JK ay nanalo ng 4 na awards sa P-Pop Entertainment Awards 2016 kabilang ang “Best Male Solo Artist”, “Best Collaboration”, “Song of the Year” at “Artist of the Year”
Facebook Comments