14 TOBACCO FARMERS, NABIGYAN NG LIVELIHOOD KITS

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa Business and Work Improvement Course ang 14 tobacco farmers mula sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang nasabing aktibidad ay upang mabigyang kaalaman ang mga tobacco farmers na pamahalaan ang kanilang mga negosyo at paunlarin ito.

Ilan sa mga natalakay dito ay ang developing a business mindset, identifying market opportunities, at importance of financial discipline.


Bukod dito, nagkaroon din ng distribusyon ng livelihood kits kung saan malaking tulong ito upang magsimula ng kanilang mapagkakakitaan.

Facebook Comments