*Nueva Vizcaya*- Nahulog sa Palayan ang isang 14 wheeler truck ganap na alas onse y medya kaninang umaga sa brgy Balete, Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, base sa mga rumespondeng pulis at kasapi ng BFP Diadi, nawalan ng preno ang truck dahil sa palusong at paliko likong daan kaya’t pinili na lamang umano ng driver na ihulog nalang ito sa palayan sa halip na maka bangga pa.
Napag-alaman ng mga otoridad na puno ng cemento ang Truck na byaheng Isabela.
Sa ngayon ay ay isinugod na sa pinaka malapit na pagamutan ang hindi pa nakikilalang driver ng nasabing trcuk.
Facebook Comments