Inaasahang aabot sa 140,000 ang bilang ng mga pasahero simula ngayong araw rito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ilang araw bago ang Pasko.
Sunod-sunod na rin kasi ang domestic flight ng mga babiyahe pauwi ng kanilang probinsya ganun din naman ang mga umuwi mula sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Usec. Timothy John Batan, ramdam na umano ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan sa mga Paliparan.
Bagama’t nadadagdagan na ang mga umuuwi ngayon ay normal pa rin aniya ang sitwasyon at wala naman silang nakikita na anumang problema o aberya.
Samantala, inilatag na rin ang karagdagang 108 personnel sa paliparan kung saan itinalaga ang 52 sa mga ito sa NAIA Terminal 2 at 3 na posibleng madagdagan pa ang bilang ngayong linggo.
Nabatid na mahigit 1,000 OTS personnel ang kasalukuyang nakatalaga sa NAIA.