Sinimulan na ng Quezon City (QC) Government ang pamamahagi ng livelihood package sa mga QCitizen sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Integrated Livelihood program.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, 1,400 livelihood package ang ipinamahagi sa mga kwalipikadong mga residente habang dagdag na 300 benepisyaryo naman ang tumanggap ng sewing machines.
Umabot naman sa 1,100 ang nakinabang sa programang bigasan bilang bahagi ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ program.
Nangako naman si Mayor Belmonte na patuloy na maghahatid ng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa kaniyang nasasakupan.
Facebook Comments