Nakadeploy na ang 1400 na mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Enforcement Group, para sa iba’t ibang tungkulin ngayong panahon ng BSKE at Undas.
Sa bagong pilipinas ngayon, sinabi ni Atty. Victor Nuñez, Director for Traffic Enforcement Group ng MMDA na maliban sa pag-alalay sa mga motorista sa daloy ng trapiko, mayroon din silang emergency road vehicles na naka-stand-by sakaling kailanganin ng mga motoristang masisiraan sa biyahe.
Nakakalat din aniya, ang mga tauhan patungo sa mga pantalan at mga terminal ng provincial bus.
Habang ambulance vehicles din aniya sila na handang rumesponde sa emergency situation.
Dagdag pa ni Nuñez, mayroon din silang 200 mga tauhan na ipinoste sa malalaking sementeryo at 50 streetweepers para mapanatili ang malinis na kapaligiran.