14,000 isolations beds sa bansa, naipatayo na ng DPWH; Karagdagang 24,000, target maipatayo sa mga susunod na buwan

Hindi tumitigil ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapatayo ng mga isolation at healthcare facilities sa bansa upang maabot ang layuning masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Kamakailan lamang ay natapos na ng DPWH ang quarantine facilities sa Manuel L. Quezon University (MLQU) sa Quiapo, Manila, na nagawa sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ang bagong tayong MLQU facility ay may karagdagang 60 isolation bed na makakatulong sa mga COVID patients ng pamahalaang lungsod ng Maynila.


Sa interview ng RMN Manila kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, inihayag nito na umaabot na ngayon sa 14,000 isolation beds ang nagagawa sa buong bansa at target pa nilang matapos ang karagdagang 24,000 sa mga susunod na buwan.

Nabatid na dahil sa pagpapatupad ng online learning system ngayong taon, nagagamit ng DPWH ang mga school building at kino-convert o ginagawa muna itong quarantine facilities.

Facebook Comments