141 mga lugar sa Cagayan, lubog pa rin sa baha

Nananatiling lubog sa baha ang nasa 141 mga siyudad at munisipalidad sa Cagayan matapos hagupitin ng magkasunod na Bagyong Nika at Ofel.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Counci (NDRRMC), karamihan sa mga flooded area ay matatagpuan sa Alcala, Amulung, Lal-lo, Lasam, Gonzaga, Tuao, Camalaniugan, Dammang Sur, Dammang Norte, Apari, Solana, Tuguegarao at Ballesteros.

Baha rin ang ilang bayan sa Isabela tulad ng Burgos, Cabatuan, Delfin Albano, Quirino, Roxas, San Manuel, San Mateo at San Pablo.


Kaugnay nito, nasa mahigit 28,000 mga indibidwal ang nananatili pa rin sa 392 evacuation centers sa Cagayan.

Sa ngayon, unpassable parin ang 64 na mga kalsada at 51 tulay sa nasabing rehiyon.

Puspusan naman ang mga tauhan ng DPWH sa pagsasagawa ng clearing operations upang madaanan ang mga kalsada upang maihatid ang tulong sa mga apektado nating kababayan.

Facebook Comments