141 PAMILYANG NASUNUGAN SA BRGY. PANTAL,DAGUPAN CITY, NAKATANGGAP NG P10,000

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Tumanggap ng P10, 000 ang nasa 141 pamilyang nasunugan sa nangyaring magkahiwalay na sunog sa Dagupan City sa ilalim ng Emergency Housing Assistance (EHA) ng National Housing Authority.

Matatandaan na noong ika-30 ng Marso nagkaroon ng nasunog ang ilang kabahayan sa bahagi ng sitio Riverside at ika- 3 ng Hunyo ng magkaroon din sa sunog sa Sitio Patalan.

121 benepisyaryo dito ang mula sa Sitio Riverside at 16 sa Sitio Patalan.


Samantala, nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong ng naturang ahensya dahil malaking bagay umano ito sa kanilang pang araw-araw.

Facebook Comments