141 Pinoy, nananatili sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan

Aabot pa sa 141 na pinoy ang nananatili sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na pag-atake ng Russia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 45 sa kanila ang nasa kapitolyo sa Kyiv at ayaw pang lumikas.

Sabi ni DFA Undersecretary Sarah Arriola, karamihan sa mga Pinoy sa Ukraine ay nag-aalinlangan pang umuwi at hindi naman sila pwedeng pwersahin ng pamahalaan na bumalik na sa Pilipinas.


Noong Martes ng gabi, nasa 13 Pinoy ang dumating sa bansa na lumikas mula sa Ukraine at sinalubong sa boundary ng Poland ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr.

Samantala, inihayag naman ng Russia na napasakamay na nila ang Kherson na pinakamalaking lungsod sa Ukraine.

Pero dahil hindi pa rin nagtatagumpay ang Russia sa pagpapabagsak sa Ukrainian government ay naniniwala ang ilang bansa na mas magiging marahas pa ito sa kanilang mga bagong taktika para mapabilis na makuha ang iba pang mga siyudad.

Sa ngayon, patuloy ang pambobomba ng Russia sa mga siyudad ng Kyiv at Kharkiv kung saan una nang tinamaan ang isang TV tower, government building at holocaust memorial.

Facebook Comments