Tuesday, March 3, 2026

1,416 Pinoy sa Middle East, humiling ng repatriation—PBBM

Umabot na sa 1,416 Pilipino sa Middle East ang humiling na makauwi sa Pilipinas.

Ayon kay Ferdinand Marcos Jr., 10 dito ang mula sa Iran, 297 sa Israel, 22 sa Jordan, 231 sa Bahrain, 586 sa Dubai, at 270 sa Abu Dhabi.

Aminado ang Pangulo na hindi pa maaaring magpalipad ng eroplano sa ngayon dahil delikado pa ang sitwasyon.

May ilang paliparan, aniya, na inatake at may ipinatutupad na no-fly zones sa ilang lugar.

Sa kasalukuyan, land transportation ang nakikitang pinakamainam na paraan para mailikas ang mga kababayan.

Pinayuhan din ang mga Pilipino sa Middle East na manatili sa ligtas na lugar at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan.

Tiniyak ng Pangulo na may nakahandang plano ang gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino at maipauwi sila sa tamang oras.

Facebook Comments