142 LIBRE, BAGONG WIFI SITES SA PANGASINAN, INILUNSAD

Inilunsad na ng Department of Information and Communications Technology ang aabot sa 142 na bagong wifi sites sa Pangasinan alinsunod sa programang gawing libre ang wifi sa pampublikong lugar.

Naipatayo na ng DICT ang ‘Free Wifi for all’ Sites sa dalawampu’t isang bayan at siyudad sa lalawigan. Kabilang dito ang siyudad ng Alaminos, Dagupan, San Carlos, at Urdaneta, kasama rin ang bayan ng Bayambang, Binalonan, Dasol, Infanta, Labrador, Lingayen, Manaoag, Mangatarem, Mapandan, Pozzorubio, San Fabian , Sta. Maria, Tayug, at Umingan.

Ayon kay DICT Provincial Head of Pangasinan Engr. Conrado P. Castro Jr., kabilang sa mga operational sites ng ‘Free Wi-Fi for All’ ang lahat ng kampus ng isang unibersidad at mga Government Hospitals sa lalawigan.


Nilagdaan din nina DICT Sec. Honasan at Gob. Espino ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng ahensya at ng pamahalaang panlalawigan. Layon ng MOA na patibayin pa ang ugnayan ng DICT at Pangasinan upang makapaghatid ng mga Information and Communications Technology services sa bawat bayan ng lalawigan.

Facebook Comments