Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 142 pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, 125 rito ay volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 40 minuto habang 16 ang 16 low-frequency volcanic earthquakes, isang hybrid event, at low level background tremor.
Umabot sa 2,400 metro ang taas ng plumes na inilalabas ng bulkan na may direksyong kanluran-timog-kanluran at hilagang-kanluran.
Naglabas din ito ng 5,973 tones ng sulfur dioxide at nakitaan ng fog sa paligid ng bulkan.
Patuloy naman paalala ng PHIVOLCS na maging alerto sa posibleng pagsabog ng bulkan.
Facebook Comments