Davao – Umabot na sa 143 aftershocks ang naitala kasunod ng tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon.
Ang nasabing bilang ay naitala ng PHIVOLCS hanggang kaninang alas 6:00 ng umaga.
Pero ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum – karamihan sa mga aftershocks na ito ay hindi naman naramdaman.
Isa lang aniya ang naramdaman at ito ay ang magnitude 5.6 na yumanig sa coastal area ng Davao Oriental alas 5:13 kahapon ng hapon.
Ang nangyaring malakas na lindol ay bunsod ng downward movement sa tail-end ng Philippine trench sa Philippine Sea na nagdulot naman ng paggalaw pataas ng converging boundaries.
Ligtas na ang Davao Region sa tsunami kaya pwede nang bumalik sa kanilang mga bahay ang mga nagsilikas na residente.
Facebook Comments