Umabot sa 143 na mag-aaral sa Ilocos Region ang sumabak sa qualifying examination para maging scholar ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.
Bukas ito sa mga kwalipikadong mag-aaral na kukuha ng kursong Bachelor of Science in Fisheries.
Pangasinan ang nakapagtala ng pinakamaraming examinees na umabot ng 64, 39 sa Ilocos Norte, 21 sa Ilocos sur at 19 sa La Union.
Bahagi ng programa ang Fisherfolk Children Grant para sa mga estudyante na rehistradong mangingisda ang kanilang mga magulang; Fisheries Industry Leaders Grant para sa mga graduating honor students at Indigenous Cultural Communities na para sa mga estudyante na ang mga magulang ay ICC or IPS na kinikilala ng NICP.
Nakatakdang tumanggap ang mga iskolar ng libreng matrikula, school fees, monthly allowance, book allowance, graduation fee at thesis support. ###