143,000 tourism sector workers, makakatanggap ng ayuda – DOLE

Aprubado na ang cash aid application ng nasa 143,000 workers sa tourism industry.

Ayon kay Department of Labor and Employment – Bureau of Local Employment (BLE) Director Dr. Dominique Rubia-Tutay, pinoproseso na lamang ang kanilang payment.

Ang ayuda ay ibibigay sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE para sa tourism sector.


Sa ilalim ng programa, magbibigay ng one-time cash aid na ₱5,000 para sa bawat benepisyaryo.

Hinihikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga apektadong tourism workers na mag-apply sa assistance program.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nasa 355,797 tourism workers sa bansa ang napagkalooban ng ayuda.

Nasa 67,347 tourism workers ang naaprubahan ang kanilang financial assistance na nagkakahalaga ng ₱336.74 million sa NCR+.

Samantala, ang DOLE ay nakapagbigay na rin ng CAMP assistance sa 8,000 tourism sector-related workers sa NCR+ noong dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ).

Facebook Comments