144 patay, 732 sugatan sa pagtama ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar — military leader

(Update as of 11:00 PM) Patay ang nasa 144 na indibidwal habang sugatan naman ang nasa 732 iba pa sa pagtama ng malakas na 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar.

96 sa mga nasawi ay naitala sa Naypyitaw, 18 naman sa Saigaing at 30 sa Mandalay.

Nabatid na ang impormasyon ng casualties ay base sa report ni Myanmar military leader Min Aung Hlaing at asahan umanong tataas pa ito sa susunod na mga oras.


Sa Thailand naman, tatlo ang naitalang nasawi matapos na mag-collapse ang high-rise building bunsod pa rin ng pagyanig.

Una nang tumama ang 7.7 magnitude na lindol na nasundan ito ng 6.5 magnitude na aftershock makalipas ang 12 minuto na nagdulot ng malawakang pinsala sa naturang dalawang bansa.

Facebook Comments