Tuesday, March 24, 2026

145 BARIL, NASAMSAM SA ISANG LINGGONG OPERASYON LABAN SA LOOSE FIREARMS SA REHIYON 1

Umabot sa kabuuang 145 na baril ang nasamsam ng Police Regional Office (PRO) 1 sa isinagawang pinaigting na operasyon laban sa loose firearms mula March 15 hanggang 21, 2026.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang PRO 1 ng 16 na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 15 indibidwal na sangkot sa ilegal na paggamit at paghawak ng baril. Sa nasabing bilang, 18 baril ang nakumpiska habang apat naman ang narekober sa iba’t ibang insidente.

Malaki rin ang naging papel ng komunidad sa nasabing tagumpay. Tinatayang 115 baril ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan bilang pakikiisa sa kampanya ng pulisya. Bukod dito, walong baril pa ang idineposito sa mga himpilan ng pulisya para sa wastong pag-iingat.

Binigyang-diin ni ng PRO 1, na magpapatuloy ang kanilang mahigpit na kampanya upang tuluyang masugpo ang kriminalidad na may kaugnayan sa loose firearms.

Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan at suportahan ang mga programa ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Rehiyon 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments