145 foreign sex offenders, pinagbawalan na makapasok sa Pilipinas

58

Kabuuang 145 foreign sex offenders ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa pagpasok sa Pilipinas mula January hanggang November 2018.

Ang naturang mga dayuhan ay convicted sa sex crimes sa kani-kanilang mga bansa.


Iginiit ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga dayuhang may kahalintulad na kaso upang maprotektahan ang mga babae at mga batang Pilipino.

Ang mga naharang na dayuhang sex offenders ay agad na pinabalik ng immigration officers sa kanilang bansa.

Facebook Comments

From Advertisers