Nasa 1,462 na indibidwal sa Lungsod ng Quezon ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng vaccine kontra COVID-19 virus.
Dahil dito, umabot na sa 2,451,805 ang fully vaccinated individuals sa lungsod kasama na rito ang bilang ng naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Habang nasa 2,256,108 na residente at manggagawa sa Quezon City ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.
Nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity, kung saan nasa 339,431 na bata na ang nabakunahan sa lungsod.
Habang umabot na sa 843,010 na individuals ang nabigyan na ng booster shot.
Sa kabuuan, nasa 5,761,378 doses ng bakuna ang naiturok na sa QC sa ilalim ng QC-protek todo vaccination program sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.