147 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant, naitala ng DOH

Bahagyang nadagdagan ang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant sa Pilipinas.

Batay sa bagong inilabas na datos ng Department of Health (DOH), natukoy ang karagdagang 147 na kaso ng mga Omicron subvariant sa bansa.

Naitala ang 139 na bagong kaso ng BA.5; anim na kaso ng BA.4 at tig-isang kaso ng
BA.2.12.1 at sublineages ng nasabing sakit.


Ayon sa DOH, sa nasabing bagong kaso ng BA.5 ay naitala ito sa Davao Region na may 45 na kaso; Calabarzon na mayroong 37 at Soccsksargen na may 17 na kaso.

Habang, ang mga kaso ng BA.4 ay naiulat sa Bicol Region na mayroong tatlong kaso; Soccsksargen na may 2 at isa naman sa Davao Region.

Nadiskubre naman ang isang kaso ng BA.2.12.1 sa Ilocos Region, habang isa ring sublineages ng Omicron subvariant ay naitala sa Caraga Region.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng DOH na magpaturok na ng booster dose upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa mga COVID-19 Omicron subvariant.

Sa ngayon, mahigit 72.4 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, habang higit 17.7 milyon ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot at 2 milyon na ang nakapagpabakuna na ng pangalawang booster shot.

Facebook Comments