149 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso, nakumpiska sa joint operation sa Bacoor, Cavite

Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BOC) ang nasa 149 kilos ng shabu sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Blk. 16 lot 9 Manager Drive Executive 1 Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Isinagawa ang buy bust operation kaninang pasado alas-6:00 ng umaga.

Batay sa inisyal na impormasyong nakarating sa Camp Crame, tatlong indibidwal ang naaresto sa ikinasang operasyon.


Kinilala ang mga ito na sina Jorlan San Jose, 26-anyos, Joseph Maurin, 38-anyos at Joan Lumanog, 27-anyos, kapwa mga residente ng Dominorig, Talakag, Bukidnon.

Ang shabung narekober sa kanila ay aabot sa halagang P1.0281 billion.

Nakuha rin ang P1,000 buy-bust money at bundle ng boodle money, isang unit black Nokia key pad type cellular phone.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Facebook Comments