14th Batch ng mga Filipino healthcare worker, dumating na sa Japan

Photo Courtesy: Embassy of Japan in the Philippines

Inihayag ng Japanese Embassy na dumating na sa Japan ang 14th Batch ng mga Filipino Nurse at certified care worker candidates na mag-ta-trabaho sa mga hospital at caregiving institution.

Ayon sa Embahada sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement ang 231 na mga Filipino kabilang ang 18 nurses na umalis patungong Japan noong July 13 hanggang 15, 2022.

Natanggap sila sa pamamagitan ng government-to-government arrangement na ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS).


Napag-alaman na anim na buwang Preparatory Japanese Language Training sa Pilipinas ang ginanap online para sa mga pinoy na nagtapos noong buwan ng Mayo.

Bago ang kanilang termino sa trabaho sa kani-kanilang employer, isa pang 6 na buwan ng mas masinsinang pagsasanay sa wikang Hapon sa Japan ang isinasagawa.

Binigyan diin ng embahada na ang mga pagsasanay sa wikang hapon ay walang bayad bilang karagdagan sa mga pang-araw-araw na allowance na ibinibigay sa mga Pinoy.

Mula noong 2009, mayroon na ngayong 3,378 Filipino nurse at certified care worker candidates sa ilalim ng programang ito ang nai-deploy patungong Japan.

Facebook Comments