Inaasahang darating ngayon sa Pilipinas ang ika-14th batch ng Pinoy repatriates na nagmula sa Israel.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nasa 21 Overseas Filipino Workers (OFWs) na galing Israel ang babalik sa bansa mamayang gabi.
Sakay ang mga ito ng Philippine Airlines flight PR737 na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang alas-11:15 mamaya.
Ang mga pauwing Pinoy ay nagtatrabaho bilang caregiver sa nasabing bansa.
Samantala, umabot na sa 435 ang bilang ng mga OFW sa Israel ang nakabalik na sa bansa sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng ibang ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments