Buo ang suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang 14th month pay sa mga manggagawa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – suportado nila ang anumang mabibigay na benepisyo sa mga manggagawa at pamilya nito.
Pero sinabi ng kalihim na dapat maging balanse ang panukala sa pagitan ng financial needs ng mga manggagawa at kapabilidad ng mga employer na magbigay ng dagdag na bonus sa mga empleyado nito.
Pag-aaralan ng DOLE ang impact ng panukala ni Senate President Tito Sotto III sa economic stability ng bansa.
Facebook Comments