Benito Soliven Isabela- Nagtipon tipon ang mga rescuers ng buong probinsya ng Isabela upang magkaroon ng pagkakataon magbonding ang mga ibat ibang rescue units at upang talakayin ang mga bagong usapin tungkol sa kahalagahan ng mga ito sa oras ng sakuna o anumang uri ng kalamidad na maaaring tumama sa lalawigan. Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Edmund Guzman,napakahalaga ng mga ginagampanan ng bawat isa lali na sa oras ng mga sakuna kayat mahalaga rin umano na magkaroon ng mga pagtitipon ang mga ito upang makapagbahagi ng ibat ibang kaalaman hinggil sa mga pamamaraan ng pagsagip ng buhay sa oras ng mga sakuna lalo na sa mga kani kanilang mga bayan at upang mas lalong makilala ang bawat isa. Sa naturang pagtitipon ay ipinakita at ipinagmalaki ng bayan ng Benito Soliven rescue unit ang kanilang bagong imbesyon na flood control alarm system kung saan ay may alarm system at awtomatikong tutunog ito kung may pagbaha sa kanilang lugar at maririnig narin ang recorded voice na nagpapaalala na kinakailangan nang maghanda ang mga mamamayan na maaaring tamaan ng pagbaha,maging ang kanilang bagong bili na ambulansya ay idinisplay din sa nasabing pagtitipon. Ayon naman kay Ginoong Ronald Viloria ang presidente ng Isabela Rescuers Federation,bagamat araw araw ay sadyang napakahalaga ang oras ng mga rescuers sa pagtugon sa anumang sakuna sa kani kanilang nasasakupan ay mahalaga din umano na magkaroon ng paminsan minsang relaxation ang mga kasapi nito kayat isinasagawa ang naturang Rescuers Ungloves. tags:Luzon,RMN News,dwkd98.5,PDRRMC ISABELA,DART RESCUE 831,RESCUE 922,ROXANE LUNGAN,BENITO SOLIVEN, RESCUE 531,LART 1115
14th Rescuers Ungloves Isinagawa sa Benito Soliven!
Facebook Comments