15-Anyos na Binata, Nagbigti-Patay

17

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang binatilyo na pinaniniwalaang nagbigti sa Brgy. IBJ, Lasam, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Kevin Belda, 15 taong gulang, outh of school youth at residente ng Brgy. Battalan, Lasam, Cagayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya na mula sa nagngangalang Rick Acoba na mayroon umanong nangyaring pagpapatiwakal sa kanilang lugar na agad namang tinugunan ng kapulisan subalit hindi na naabutan ang biktima dahil isinugod na sa ospital.


Nang madala sa ospital ang biktima ay idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Una rito, nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga katrabaho na sina Nicolas Cabauatan at William Espiritu at makalipas ang ilang sandali iniwan na ng dalawa ang biktima.

Nagulat na lamang ang caretaker ng bahay na si Sherwin Cabauatan nang Makita sa kanilang kusina ang nakabitin na katawan at nakabigting biktima gamit ang isang lubid.



Batay pa sa pagsisiyasat ng pulisya, ibinahagi ng pamilya na biktima na bago mangyari ang insidente, humingi muna ng pera ang biktima sa kanyang nanay upang pambayad sa nabanggang motor dahil kung hindi umano nito mabayaran ay papatayin ito.

“Haan dak tu makita tunu bigaten” ito mismo ang sinabi ng biktima nang siya ay tumawag sa kanyang kuya hinggil sa panghihingi nito ng pera sa kanyang ina.


Facebook Comments