15-anyos na binatilyo na tinamaan ng ligaw na bala habang nagdadasal sa isang Mosque sa Marawi, nailibing na

Marawi City, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na binatilyo matapos itong tamaan ng ligaw na habang nasa loob ng mosque sa Marawi City.

Ayon kay Ali Saber, isang saksi – nasa loob ng mosque ang bata at nagdarasal nang tumagos ang bala sa pader ng mosque at tumama sa biktima.

Nanawagan naman ang kapatid ng biktima na itigil na ang ginagawang paghahasik ng gulo.


Nasa loob ng kampo ng 103rd Infantry Battalion ang nasabing mosque.

Lumalabas na galing sa sniper ng Maute Terror Group ang balang tumama sa bata.

Binigyan na ng maayos na libing ang biktima.
DZXL558

Facebook Comments