15-anyos na Dalagita, Ginahasa; Suspek, Arestado

31

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 5 Most Wanted Person sa Region 2 matapos mahuli sa pinaigting na Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) Campaign na ikinasa sa Brgy. Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya ngayong araw, August 5, 2021.

Batay sa ulat ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Miller Tudiano, 24-anyos, isang magsasaka at residente ng Sitio Balong, Brgy. Acacia, Kayapa, Nueva Vizcaya.


Si Tudiano ay nahaharap sa apat (4) na counts ng Panggagahasa sa 15-anyos na dalagitang estudyante noong nakaraang taon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, makailang beses umanong pinagsamantalahan ng suspek ang biktima noong February 25, 27 at March 1 noong nakaraang taon at lango sa nakalalasing na inumin ang suspek ng pasukin nito ang kwarto ng dalagita at pwersahan umanong hinubaran ang biktima para gawin umano ang panggagahasa.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Attolba ng RT Br. 30 Bayombong Nueva Vizcaya at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Kayapa Police Station ang suspek bago ipasakamay sa kanyang court jurisdiction.



Facebook Comments