Aminado si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi sapat ang 15 araw na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Galvez na pinagsisikapan nila na magbunga ang mga binuong estratehiya para mapababa ang mga kaso at hindi na tumaas pa ang bilang ng namamatay.
Mina-maximize na rin aniya ng mga opisyal ang 15 araw para bisitahin at turuan ang Local Government Units (LGUs) at health officials kung paano dapat ipatupad ang localized lockdowns at zoning.
Una nang ibinalik sa MECQ ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal bilang tugon sa time out na hiniling ng health workers.
Facebook Comments