15 araw na palugit sa mga rice importer para patunayang legal ang kanilang negosyo, nais bawasan ni PBBM

Susubukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawin na lamang pitong araw sa halip 15 araw ang palugit na ibibigay sa mga pinaghihinalang illegal importer ng bigas para patunayang legal ang kanilang negosyo sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa kanyang talumpati sa ginawang pangunguna sa pamamahagi ng smuggled rice sa General Trias sa Cavite kaninang umaga.

Ayon sa presidente, natagalan ang pamimigay ng smuggled rice dahil hinintay pa ng matapos ang 15 days.


Punto ng pangulo kung talagang legal ang importer sa loob ng pitong araw ay mapapatunaya nila ito.

Dagdag pa ng pangulo, prayoridad ng pamahalaan na bigyan ng mga smuggled rice ay ang mga miyembro ng 4Ps.

Sa ngayon, patuloy aniyang nakatutok ang pamahalaan sa pagtugis sa mga hoarder at smuggler ng bigas.

Facebook Comments