Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 15 baboy na nakapasok sa Mapandan, Pangasinan mula Bustos, Bulacan.
Ayon kay Pangasinan Governor Amado Espino III, idinaan sa barangay road ang mga nasabing baboy noong Setyembre 25 kaya nakalusot sa Animal Quarantine checkpoint.
Kinuhanan ng blood samples ang mga baboy at isinailalim sa culling.
Aniya, maituturing na ground zero ang Brgy. Baloling, Mapandan, Pangasinan kaya nagpatupad na agad ng protocol para hindi na kumalat ang virus.
Pagtitiyak ni Espino, nagpakalat na sila ng mga tauhan at mas hinigpitan ang mga checkpoint sa probinsya para siguraduhing walang mailalabas at maipapasok na baboy.
Kakasuhan naman ang hog raiser na nagpasok ng baboy sa probinsya.
Facebook Comments