CAUAYAN CITY- Sumabak sa Resilience Challenge ang labing limang (15) Barangay Disaster Response Teams sa bayan ng Quezon, Isabela nito lamang ika-31 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Disaster Resilience Month kung saan pinangasiwaan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Rescue 819 team.
May labing isang estasyon ang aktibidad kung saan bawat istasyon ay kumakatawan sa isang mahalagang aspeto ng pagiging handa sa sakuna.
Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga kalahok sa pagresponde sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Nagtapos naman ang programa sa isang seremonya at nangako ang mga kalahok na kanilang ipagpapatuloy ang mga natutunan sa aktibidad.
Facebook Comments