Ibinida ng lokal na Pamahalaan ng Parañaque na umabot na sa 15 barangay ang idineklarang “drug cleared” ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, sa tulong ng pinalakas na mandato ng Parañaque Anti-Drug Abuse Council ay isang barangay na lang ang may problema sa ilegal na droga.
Paliwanag ng alkalde na malaki aniya ang kontribusyon ng tamang intervention at serbisyo ng PADAC Holding Center at Bahay Silangan sa mga indibidwal na naliligaw ng landas.
Umaasa si Olivarez na bago matapos ang taon ay 100% drug cleared na ang buong lungsod.
Batay sa Board Regulation Number 3 ng Dangerous Drugs Board, ang isang barangay ay maituturing na drug cleared kung wala nang anumang insidente ng illegal drug activities, walang laboratoryo, warehouse at suplay ng droga at walang drug pushers at users.
Hinahati rin sa tatlong phases ang drug clearing operations sa barangay na magsisimula sa education at prevention.