Labinlimang barangay sa Dagupan City na matatagpuan sa Red Zone batay sa Tsunami Hazard Map ang nagpresenta ng kani-kanilang Tsunami Evacuation Plan kahapon bilang pangunahing hakbang sa paghahanda ng lungsod sa posibleng banta ng tsunami.
Sa gabay at pangangasiwa ng DOST–PHIVOLCS, sama-samang binuo ng bawat barangay ang kanilang mga plano at ipinaliwanag ang kani-kanilang estratehiya at mga hakbang na ipatutupad sakaling magkaroon ng tsunami warning, upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Nakilahok din sa aktibidad ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ang Public Alert Response and Monitoring Center (PARMC), na tumulong sa pagtalakay at pagsusuri ng mga inihandang evacuation plan.
Ayon sa mga kinauukulan, ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga upang mapanatili ang pagiging handa at alerto ng komunidad, na may layuning mabawasan ang pinsala at makapagsalba ng mas maraming buhay sa oras ng sakuna.







