15 bata mula Pasig at Makati City, napasaya ng RMN DZXL Radyo Trabaho gift-giving activity

Sa muling pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho Team, nasa 15 bata mula sa Pasig at Makati City ang napasaya ng grupo bilang bahagi ng ating gift-giving activity.

Layunin ng ating aktibidad na matulungan at mabigyan sa simpleng paraan ang mga batang lansangan ng kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Bawat bata ay binigyan ng exclusive Radyoman T-shirt, customized DZXL face mask at pasalubong bundles mula sa DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks.


Partikular na pinuntahan ng Radyo Trabaho Team ay ang Brgy. Rosario, Ugong, Kalawaan, Pinagbuhatan, Buting at Bagong Ilog.

Napag-alaman na ang pamilya ni Michelle na taga-Brgy. Poblacion sa Makati ay isa sa mga naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19 kung saan ilan sa miyembro ng kanilang pamilya ay nawalan ng trabaho kung kaya’t naisipan muna nila na magtinda na lamang ng barbeque.

Nagpapasalamat naman sila gayundin ang ibang magulang ng mga batang nakasalamuha ng grupo dahil sa munting handog ng DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks.

Ito ang ikatlong araw na pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho Team kung saan 150 na bata ang nakatanggap ng mga giveaways mula sa lungsod ng Taguig, Makati, Pasig, Mandaluyong, Marikina, Pasay, Maynila, Paranaque, Valenzuela, Malabon, San Juan, Navotas, Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, Quezon City at Pateros.

Facebook Comments