Inamin ng Philippine Hospital Association (PHA) na 15 percent lamang ng kabuuang claims para sa COVID-19 cases na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso ang nabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang pahayag ay natuklasan kasunod na paghahanda ng ahensiya sa posibleng surge ng mga kaso dulot ng epekto ng Delta variant.
Ayon kay PHA President Dr. Jaime Almora, marami pang mga ospital ang hindi nakakatanggap ng anumang halaga mula sa PhilHealth.
Kasama rito ang mga dapat gamitin sa mga operasyon maging ang paggamit para sa sahod ng mga health workers, pagbili ng mga medical equipment at iba pang suplay at ang pagdaragdag ng mga bed capacity.
Facebook Comments