15-days Total Lockdown, Ipatutupad sa isang Barangay ng Kasibu, N. Vizcaya

35

Cauayan City, Isabela- Pinalawig pa ng labinlimang (15) araw ang pagsasailalim sa total lockdown sa Barangay Didipio sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya dahil sa dumaraming nagpopositibo sa COVID-19.

Alinsunod ito sa Executive order no. 12 na may lagda ni Mayor Romeo Tayaban.


Ayon sa report, umabot sa 54 ang pasyenteng kinapitan ng virus as of April 13, 2021 at patuloy na tumataas base sa datos ng Municipal Health Office.

Plano ng LGU ang pagsasagawa ng mass testing sa mga close contacts ng mga nagpositibong pasyente upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang kalusugan.

Magsisimula ang kautusan sa April 16 hanggang April 30, 2021.

Sa pamamagitan nito maiibsan ang pagdami pa ng mga kaso ng virus.



Facebook Comments